ni John Bernard L. Yanos

Michael Rodrigo ang isports prodigy ng Dagupan City, pinauwing talunan ang 3-time badminton champion, star player ng Laoag City Division na si Tyson Ramirez pagkatapos nitong talunin 2-1 sa badminton boys’ finals ng Region 1 Athletic Association Meet nitong ika-10 ng Enero, 2007 na naganap sa Narciso Ramos Sports Complex sa Lingayen, Pangasinan.

Walang problemang kinuha ng rookie ng Dagupan ang unang puntos, pagkatapos manalo sa unang set 21-18 laban sa star player ng Laoag City.

Sa ikalawang set ng laro ay ang set na pwedeng magpatumba sa isports star ng Laoag City, ngunit hindi basta basta tutumba ang star ng walang laban kayat nagtiyagaan naman nitong talunin ang prodigy 21-19, na magtatabla sa laro 1-1 sa bawat koponan.

Sa huling set ng laro na magdedesisyon sa kapalaran ng laro, napakagandang laro ang ipinakita ng dalawa, ang mga kalakasang mga ismash at napakagandahang mga depensa. Sa huling mga sandali ng laro, tabla 17-17 sa dalawang koponan at dito, apat na magkakasunodsunod na backhand errors ang naipakita ng star player at natalo ito 17-21, at itinanghal na kampeon ang sports hero ng Dagupan City na si Michael Rodrigo.

“Bata pa siya pero ang kaniyang mga galaw ay napakabilis at ang kaniyang mga palo ay napakalakas na parang umaapoy” saad ni Tyson Ramirez sa isang interview pagkataposs ng laro.

“Sa sandaling ito, ay di parin ako makapaniwala na makakapagpatumba ako ng isang powerhouse sa badminton” saad naman ni Michael Rodrigo.