ni Xian James Emmanuel Guieb

Bilang pagtugon sa DepEd Memorandum No. 69 s. 2023 na inilunsad ni VP Sarah at Kalihim ng Edukasyon, nakiisa ang BNCHS sa pagtatanim ng “236, 000 Trees– A Gift for the Children” Christmas Project ng DepEd, Disyembre 6.

Layunin ng nasabing aktibidad na pabutihin ang kalagayan ng kalikasan, upang mabigyan ng regalong dekalidad na kapaligiran ang mga kabataan at sa mga susunod na henerasyon.

Ang 1,870 punla ay ipinamudmod ng Philippine Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa buong dibisyon at sabay-sabay itong itinanim ng mga paaralan sa buong bansa.

Ayon kay Carl John Bagain, SSLG President ng paaralan, From this micro activity, it can result to macro positive change Sa simpleng pagtulong sa pagtatanim, magreresulta ito ng mabuting epekto sa ating kapaligiran.

Sinabi naman ni Bb. Maria Dominga Esteban, dalubguro I at tagapayo ng SSLG, Ang aktibidad na ito ay may malaking pakinabang sapagkat sa paglaki nito’y magagamit ito ng mga bata sa ngayon. Maiibsan nito ang posibleng pagbaha at mababawasa ang epekto ng climate change.

Isa sa 47,678 na publikong paaralan ang Bacarra National Comprehensive High School (BNCHS) ang nakilahok sa aktibidad na ito. At sa pamumuno ng administrasyon at sa tulong ng SSLG, BSP at YES-O Club, ay itinanim ang limang (5) puno sa likod ng JICA building ng paaralan. Dagdag pa rito, malaki rin ang bahagi ng mga guro ng TLE sa pagpapalaki ng butong itinanim.